Apr 10, 2011

Hello MELLOW Sunday






It's a bummer Sunday and I just simply wanna blog random things right now

Tagalog blog muna ako ;)

"Kapag hapon ng linggo dito sa bahay, kung anu-ano lang maisipan kong gawin.
Dahil tanghali na ako nagising, (nakakasanayan kapag walang pasok)
Bummer ang naging resulta ng buong hapon ko, kaen, higa, sabay nagtext siya* err. hindi ko na nireplyan ang non-sense na text niyang OO EH. HEHE, tapos eto babad na naman ako sa net, saya ko lang po!
Hindi ko magets kung bakit binuksan ng aking ama ang radyo. Eh puro halos senti songs ang pinapatugtog dito, eh ayoko pa naman sa lahat ay senti songs dahil nakakalungkot lalo kahit wala naman rason na maging malungkot. Kainis lang isipin kasi na ang tamis ng mga kanta ngunit wala naman akong taong naaalala para handugan nito."

Itong kanta lang po ang tumatak sa aking isipan, ganda lang niya.. kapag naririnig ko lang ang kantang ito, unang pumapasok sa isipan ko ang isang lalaki at isang babae sa dilim na sumasayaw na ang tanging nakapaligid sa kanila ay mga kandila...

O kay sarap nga naman ng may minamahal..

Hindi ako nagmamadali sa mga panahon na ito dahil alam kong sa mura kong edad ay di ko pa dapat ipasok sa isipan ko ang buhay pag-ibig kahit na kalahati ng mga kakilala ko ay may ka-relasyon na, eto pa ang mas nakakalerkey taon na din sila katagal; pero ako hihintayin ko man kung sino ang magiging HARI ng aking puso ko, at sana ang mga nakikita ko sa fantasies ay manyare din saken...


No comments: